Pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng tao

Katanungan

Ano ang pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng tao?

Sagot verified answer sagot

Pagkakakilanlang biyolohikal ng pangkat ng taoAng pagkakakilanlang biyolohikal ng isang tao ay tinatawag na lahi. Ang lahi ay ang maaaring tumukoy sa isang tradisyonal na pag-uuri ng sangkatauhan batay sa paniniwalang namumukod at unibersal na katangiang pisikal.

Maaari din itong tumutukoy sa identidad ng isang pangkat na may iisang magkatulad o halos magkatulad na katangiang bayolohikal.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga pangkat etniko ay itinuturing din bilang isang lahi. Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang lahi ay maaari ding magpakahulugang mga pangkat ng tao na may iisang pinagmulan o pamana na katumbas ng salitang “race” sa English. Ito rin ay tumutukoy sa isang populasyong may iisang kasaysayan, wika, at kultura.