Pagkakaroon ng malay sa pandama nakapagbubuod at nakauunawa?

Katanungan

pagkakaroon ng malay sa pandama nakapagbubuod at nakauunawa?

Sagot verified answer sagot

Kamalayan, mula sa salitang malay, ang tawag sa pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawa.

Kapag sinabing ang isang tao ay may malay, ibig sabihin nito ay may tinatawag itong “consciousness” sa wikang Ingles. Sinasabing ang taong may malay ay may alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

At sa tulong ng kanyang kakayahan na mag-isip at umunawa ay nakakagawa siya ng mga desisyon na kinakailangan. Mahalaga ang magkamalay sa mundo dahil dito nasusukat ang “awareness” ng isang tao.

Kung tayo ay may malay ay matutulungan natin ang ating lipunan na maging maayos, maging masigla, mahusay, at maging mapayapa.