Pagkakatulad ng talumpati editoryal at lathalain?

Katanungan Sagot

7

Katanungan

pagkakatulad ng talumpati editoryal at lathalain?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakatulad ng talumpati, editoryal, at lathalain ay ang mga ito ay nagbibigay kaalaman sa mga mambabasa. Ang talumpati ay isang uri ng pagpapahayag na nagbibigay ng sariling kaisipan o kaalaman ukol sa isang suliranin o ideya.

Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanghal sa paraang pasalita sa harap ng madla. Sa kabilang banda, ang editoryal naman o isang akda na naglalaman ng mga kuro-kuro ng tiyak na pahayagan.

Samantala, ang lathalain ay ang pinalawak na impormasyon hinggil sa isang balita. Sa mga akdang ito, ang bawat isa ay pare-parehong nagpapabatid ng kaalaman o impormasyon sa mga tao sa magkakaibang pamamaraan.