Pagkakatulad ng tanka at haiku?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagkakatulad ng tanka at haiku?

Sagot verified answer sagot

Ang tanka at haiku ay parehong uri ng panitikan na nagmula sa bansang Japan. Ang dalawang ito ay parehong mahalaga at may malaking ambag sa kanilang kasaysayan at kultura.

Parehong layunin ng tanka at haiku na ipabatid sa mga mambabasa ang mga ideya at tema gamit ang kakaunti at piling salita lamang.

Bagamat may magkaibang siglo, ang tanka ay nagsisimula sa ika-walong siglo habang ang haiku ay sa ika-15 naman, ay halos may parehong taludtod ang dalawa.

Parehong sinusunod ng tanka at haiku ang sukat na 5-7-5 sa simula, ngunit ang tanka ay mas mahaba ng konti sa dulo na may 5-7-5-7-7 na kabuuang sukat.