Pagkalimot na ng mga kabataan na gumalang sa matatanda?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagkalimot na ng mga kabataan na gumalang sa matatanda?

Sagot verified answer sagot

Bata pa lamang tayo ay tinuturuan na tayong gumalang sa mas nakakatanda. Isa sa mga pangunahing paraan na itinuturo sa atin ay ang paggamit ng mga salitang po at opo at pagtawag sa mga mas nakakatanda ng ate, kuya, tito, tita, lolo, lola, nanay, tatay, o kung ano pa man.

Sa pagbabago ng panahon ngayon at pagiging mas bukas ng mga tao sa iba’t-ibang kultura o tradisyon ay tila ba nakakalimot na ang maraming mga bata ngayon na gumalang sa mas nakakatanda.

Dahil na rin sa impluwensiya ng mga kanluraning bansa ay nawawala na ang mga salitang paggalang kapag nakikipag-usap ang mga bata.