Pagpapaliwanag sa mga sitwasyon na nagaganap sa iyong buhay sa Facebook?

Katanungan Sagot

Katanungan

pagpapaliwanag sa mga sitwasyon na nagaganap sa iyong buhay sa facebook?

Sagot verified answer sagot

Pagpapaliwanag sa mga sitwasyon na nagaganap sa iyong buhay sa FacebookAng buhay ko ay kadikit na ng teknolohiya. Sa madaling sabi, ang buhay ng isang millennial ay hindi mabubuo kung walang Internet at social media.

Ang isa sa mga social media na ginagamit ko ay Facebook. At ang Facebook naman ay nagsisilbing lunsaran ng aking mga ideya. Kung ang iba ay ginagamit ito upang kumonekta sa iba, ako naman ay ginagamit ko ito upang maipakita ang aking mga talento at kakayahan.

Ang aking mga akda tulad ng mga tula at kuwento ay ipino-post ko sa Facebook. Ipinakikita ko rin ang galing ko sa potograpiya sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga kuha kong larawan. Nagsisilbing tila blog ko ang aking Facebook account.