Pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan?

Katanungan Sagot

Katanungan

pakikipagkalakalan ng mga sinaunang pilipino sa mga dayuhan?

Sagot verified answer sagot

Bago pa man makarating at masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ay may iilan ng mga dayuhan ang nakapunta sa bansa. Ito ay ang mga Tsino, Malay, at Arabe at iba pa.

Sila ay mga dayuhang mangangalakal o mga negosyante na naghahanap ng pwedeng pagkakitaan. Dahil sagana ang Pilipinas sa mga likas na yaman, marami sa mga dayuhang mangangalakal ang nagpasya na manatili sa bansa.

Maraming mga kagamitan ang kanilang ikinakalakal. Pampalasa o spices ang isa sa pangunahing produkto na kanilang kinukuha sa Pilipinas. Mayroon ring mga palamuti, iba pang pagkain, kasuotan, at kagamitan ang kinakalakal rin ng mga dayuhan.