Pamahalaan na ang pinuno ay inihalal ng mamamayan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

pamahalaan na ang pinuno ay inihalal ng mamamayan?

Sagot verified answer sagot

Republika ang tawag sa uri ng pamahalaan kung saan ang mga namumuno o nangangasiwa sa buong bansa ay inihalal ng taumbayan.

Sa ilalim ng republika ay malaya ang mga mamamayan na bumoto at tumakbo sa mga posisyon sa pamahalaan. May demokrasyang tinatawag sa isang republikang pamahalaan.

Ang paghahalal o pagboto sa isang kandidato ay nasa kamay ng mga ordinaryong mamamayan. Maraming mga partido ang nabubuo sa ilalim ng isang republika.

Ang bawat partido ay may iba’t-ibang mga layunin at mithiin para sa bansa. Nasa mga mamamayan ang kapangyarihan kung sino ang sa tingin nila ang magiging mabuting pinuno ng bansa. Ang Pilipinas ay isang halimbawa ng bansang may republikang pamahalaan.