Pamahalaan na kung saan naging tau tauhan lamang ng mga Hapones ang mga pinuno?

Katanungan

pamahalaan na kung saan naging tau tauhan lamang ng mga hapones ang mga pinuno?

Sagot verified answer sagot

Noong maitatag ang tinaguriang Second Philippine Republic ay nagkaroon ng isang uri ng pamahalaan na tinatawag na pamahalaang puppet (o papet).

Ito ay naganap noong pananakop ng mga Hapones sa ating bansang Pilipinas. Sa ilalim ng pamahalaang puppet, ang mga pinunong nakaluklok sa kanilang posisyon sa pamahalaan ay naging tau-tauhan lamang ng mga kolonyal na Hapones.

Kaya ito tinatawag na puppet. Ang puppet ay isang manika o laruan kung saan ang paggalaw nito ay kontrolado nang nagmamay-ari sa laruan o kung sino man ang naglalaro nito.

Ang mga Pilipino at mga Amerikano sa ilalim ng pamahalaang puppet ay sunud-sunuran lamang sa mga kautusan ng mga Hapon.