Panahon kung saan natuklasan ang apoy?

Katanungan

panahon kung saan natuklasan ang apoy?

Sagot verified answer sagot

Ang panahon kung saan natuklasan ang apoy ay Panahong Paleolitiko. Ang panahong Paleolitiko o Paleolithic Period o kilala rin bilang Old Stone Age ay ang itinuturing na panahon ng pag-unlad ng mga tao. Ang isa sa itinuturing na pinakamahalagang natuklasan ng mga tao ay ang apoy.

Pinaniniwalaang ang pagkakatuklas nito ay nagsimula dahil sa isng kidlat. Kidlat na tumama sa puno ng kahoy na naging dahilan ng pagkabuwal at pagliyab nito sa isang hayop na mabangis.

Dahil sa pangyayari, hindi inaasahang naluto ang hayop na siyang tinikman ng mga tao. Dahil sa panibagong lasang natikman, napagpasiyahan ng mga tao na lumikha ng apoy upang makapagluto ng kanilang mga makakain.