Katanungan
pang ilan si rizal sa magkakapatid?
Sagot
Si Rizal ay pang-pito (7) sa kanilang magkakapatid. Si Dr. Jose Rizal o kilala rin sa bansag na Pepe ay ipinanganak noong ika 19 ng Hunyo taong 1861.
Ang kanyang ama ay si Francisco Mercado na nakababata sa kanilang labintatlong magkakapatid at si Teodora Alonso naman ang kanyang ina na sa mga kapatid nito siya ay ang ikalawa.
Sa kanilang magkakapatid, siya ay ang ikapito. Siya ay maituturing na kasapi ng isang malaking pamilya sapagkat siya ay may nag-iisang kapatid na lalaki na kinilala bilang si Paciano at siyam naman na mga babaeng kapatid.
Ayon sa tala ng kasaysayan, si Rizal ay binautisnuhan sa parokya na matatagpuan sa Calamba noong ika 22 ng Hunyo 1861.