Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig?

Sagot verified answer sagot

Binubuo ng pitong kontinente ang ating daigdig. Ito ay ang Asya, Europa, Australia, Aprika, Hilagang Amerika, Timog Amerika, at Antartika.

Sa pitong ito, ang pinakamaliit ay ang Australia. Pumapangalawa namang pinakamaliit na kontinente ang Europa.

Bagamat binubuo ng iba’t-ibang mga bansa tulad ng Espanya, Alemanya, Pranses, the Netherlands, Belgium, at marami pang iba… ang Europa pa rin ang pangalawang pinakamaliit na kontinente.

Ang kabuuang sukat ng buong kontinente ng Europa ay wala pa o halos ¼ lamang ng bahagi ng Asya na siyang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.

Gayunpaman, ang kontinente ng Europa ang isa sa may pinakamalaking ambag sa buong kasaysayan ng daigdig.