Katanungan
panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa?
Sagot
Ito ay tinatawag na Imperyalismo. Ang impreyalismo ay pag kontrol sa mga maliliit na bansa na hindi direktang may presensya ng lahi o militar sa bansa.
Bagkus, kinokontrol nila ito sa pamamagitan ng kultura, politikal at pang ekonomiyang polisiya, at pag kontrol sa militar.
Iginigiit din ni Vladimir Lenin na ang imperyalismo ay ang pinakamataas na antas ng kapitalismo dahil wala na ibang paglalagakan ng sobrang produksyon o produkto mula sa isang kapitalistang bansa, kaya inilalagak na lamang ito sa mga mahihinang bansa o kaya maliliit na bansa. Halimbawa na lamang ng Estados Unidos na nilalagay dito ang surplus goods sa Pilipinas.