Katanungan
pangkat ng mga katutubong pilipino na naninirahan sa bulubundukin ng cordillera?
Sagot
Ang pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera ay ang mga Igorot.
Ang pangkat ng mga Igorot ay kabilang sa pangkat-etniko na matatagpuan sa bansang Pilipinas partikular na sa Cordillera.
Ang mga ito ay nakilala bilang mga pangkat ng mga taong matatag, masipag, at matapat. Sila ang pangkat na handang ilaban ang kanilang mga pagmamay-ari na tinuturing nilang mana at kayamanan.
Ang mga Igorot ay kinilala rin bilang pangkat na mayaman sa tradisyon at kultura na kakaiba mula sa kinagisnan ng iba pang mga indibidwal sa bansa. Para sa kanila, napakahalaga ng mga lupain sapagkat ito ang nagsisilbing ikinabubuhay ng kanilang pangkat.