Pangunahing dahilan sa hangarin ng mga Espanyol na sakupin ang hilagang Luzon?

Katanungan

pangunahing dahilan sa hangarin ng mga espanyol na sakupin ang hilagang luzon?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing dahilan sa hangarin ng mga Espanyol na sakupin ang Hilagang Luzon ay ginto.

Ang Hilagang Luzon na matatagpuan sa bahaging hilaga ng Manila na kilala naman bilang kabisera ng bansang Pilipinas ay ang lugar na ninanais na sakupin ng mga Espanyol sa kadahilanang, ang Hilagang Luzon diumano ay nagtataglay ng mayamang mina ng ginto na siyang mahalaga sa mga mananakop sapagkat ito ay nagtatakda ng kapangyarihan para sa isang bansa.

Bukod pa riyan, ang mayamang lupain ng mga lugar na matatagpuan dito ay lubhang nakaakit sa mga mananakop upang sikapin itong masasakop sapagkat ang mga lupain na makikita o matatagpuan rito ay higit na kapaki-pakinabang sa usaping agrikultura.