Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa konstitusyon?

Katanungan

pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa konstitusyon?

Sagot verified answer sagot

Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa konstitusyon ay paglingkuran at pangalagaan ang kanyang mamamayan.

Ang konstitusyon o Saligang Batas ay tumutukoy sa iba’t ibang mga saligang prinsipyo o pundamental na inilunsad upang pamarisan o pagbatayan kung paano pamumunuan ng gobyerno ang kanyang estado at mamamayan.

Sa Pilipinas, ang paglingkuran at protektahan ang mga mamamayan ng bansa ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na pinagtibay sa ilalim ng panunugkulan ni Pangulong Corazon Aquino noong ika-2 ng pebrero taong 1987.

Sa pagpapatibay nito, nakatanggap ang pangulo ng 76.37 % na boto ng pag-sang-ayon samantalang 22.65 % naman ang taliwas.