Paniniwala ng mga Tsino na ang namumuno ng emperador ay may pahintulot ng langit?

Katanungan Sagot

8

Katanungan

Paniniwala ng mga tsino na ang namumuno ng emperador ay may pahintulot ng langit?

Sagot verified answer sagot

Mandate of Heaven o Basbas ng Langit ang tawag sa paniniwala ng mga tsino na ang namumunong emperador ay may pahintulot ng langit.

Mandate of Heaven o tinatawag na basbas ng langit sa tagalog ay ang paniniwala ng mga tsino noong umusbong ang kanilang kabihasnan na kung saan ang kanilang pinuno ay nagtataglay ng babas ng langit.

Naniniwala sila na kapag ang namumuno ay binasbasan ng langit sila ay binibiyayaan ng kasaganahan at kaayusan. Ang Mandate of Heaven ay nahahati sa apat na karapatan ito ay siya ang nararapat na mamuno, isa lamang ang dapat na pinuno sapagkat ang langit ay iisa, ang isang pinunong babasbasan ng langit ay dapat naaayon sa kabutihang taglay nito, at ang pagiging pinuno ay hindi lamang nakalimita sa iisang dinastiya. Ang pinunong may basbas ng langit ay tinatawag nilang anak ng langit o son of heaven.