Panrelihiyong gampanin ng mga kababaihan?

Katanungan

panrelihiyong gampanin ng mga kababaihan?

Sagot verified answer sagot

Ang panrelihiyong gampanin ng mga kababaihan sa kasalukuyan ay ang makapagpasiya para sa buong mag-anak partikular na sa usaping pananalapi, pagbibigay pangaral, paniniwala o pananampalataya, atang pakikipagkasundo tungkol sa planong pagpapakasal ng kanilang anak o mga anak.

Mula sa nagdaang panahon, ang gampaning ginagampanan ng mga kababaihan ay hindi na lamang nalilimitahan sa pagsasagawa ng mga gawaing bahay at pagiging isang may bahay sapagkat sa kasalukuyang panahon sila rin ay binigyan ng pagkakataon upang makapamili ng kanilang nais paniwalaan, makapagtrabaho upang makatulong sa pamilya, at madinig ang tinig sa iba’t ibang hinaing o saloobin na makatutulong sa pamilya o sa kanyang sarili.