Panukalang Proyekto – Halimbawa | Kahulugan | Katangian | Layunin | Pagsulat

Kahulugan: ang Panukalang Proyekto ay uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang mga pakay ng proyekto na ito ay kadalasang solusyon para sa mga iba’t-ibang oportunidad o problema ng ating bayan. Mahalaga ang mainam na pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito binabase ang ideya na minsan ay umaabot sa milyun-milyong salapi.

I. Pamagat: PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG PANGKAT PARA SA CAMPUS JOURNALISM SA SAN JOSE HIGH SCHOOL

II. Proponent ng Proyekto: Mark Edison Julian, Jenalyn Alonzo

III. Kategorya:

Ang proyektong pagbuo ng pangkat para sa Campus Journalism sa San Jose High School (SJHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga guro sa English at Filipino at pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-aaral na sumali sa nasabing pangkat.

IV. Petsa ng Bawat Hakbang:

PETSA MGA GAWAIN LUGAR/LOKASYON
Agosto 19, 2019 Pagpupulong ng student council officers (Julian at Alonzo) kasama ang mga guro sa English at Filipino na magsisilbing school paper advisers Room 202 / TLE Laboratory
Agosto 20, 2019 Pagtatalaga ng mga guro na magiging punong abala sa paghikayat sa mga mag-aaral/ pagpaplano ng gagawing campaign sa buong eskwelahan Room 202 / TLE Laboratory
Agosto 21, 2019 Pagsasagawa ng campaign sa buong SJSH upang makahikayat ng mga gustong sumali/ pagpapatala sa mga nais magpamiyembro SJHS
Agosto 22, 2019 Pagpupulong kasama ang mga nagpalista at pagbibigay sa kanila ng kaalaman kung ano ang dapat malaman tungkol sa Campus Journalism/ Paghahalal ng mga magiging officers ng club o organization SJSH Library/ Covered Court
Agosto 23, 2019 Pagpupulong mga club officers kasama ang council at school paper advisers para sa mga proyektong pasisimulan kabilang ang isang campus newsletter at pagsali sa writing competitions Room 202 / TLE Laboratory


V. Rasyonal
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng pamamahayag at magbubukas ng bagong kaalaman para sa mga mag-aaral.

VI. Deskripsyon ng Proyekto
Ang proyektong ito ay aabutin ng limang buwan bago maisakatuparan o makompleto. Maliban sa pagbuo ng grupo, gagawa rin ang mga ito ng newsletter at sasali sa ilang patimpalak.

VII. Badyet
Kahati sa badyet ng student council ang magiging campus journalism group. Magbibigay din ang paaralan ng pondo sa mga patimpalak na gagawin sapagkat isa ito sa mandato ng paaralan.

Sana po ay nagustuhan ninyo ang mga halimbawa ng panukalang proyekto na aming ginawa para sainyo.