Katanungan
panunuring pampanitikan (5 halimbawa)?
Sagot ![verified answer sagot](https://www.panitikan.com.ph/wp-content/uploads/2020/01/verified-answer-sagot-3.jpg)
Sa dami ng mga akdang pampanitikan na mayroon tayo, kinakailangan na masuri ang mga ito. Ang pagsusuri na ito ay tinatawag bilang Panunuring Pampanitikan.
Dito hinihimay ang iba’t-ibang opinyon at kritisismo upang maunawaang Mabuti ang nais ipabatid ng may lika o manunulat.
Tinatalakay ang nagbibigay diwa sa lathalain. Halimbawa ng panunuring pampanitikan ay ang mga sumusunod:
1.) Historikal – kung saan sinusuri ang mga impormasyon at sinisigurong kaakibat ito ng katotohanan sa kasaysayan
2.) Sikolohikal – kung saan ang pokus ay ang kaisipan ng may akda
3.) Pormalistiko – kadalasan ay ginagamit sa mga akademya
4.) Humanistiko – tinitignan ang tao bilang sentro ng akda, at 5) Istaylistiko – nakadepende sa sariling istayl ng may akda.