Papel na ginagampanan ng pamilya na dapat makapagpahayag ng malasakit at pagmamahal sa kapwa?

Katanungan Sagot

Katanungan

papel na ginagampanan ng pamilya na dapat makapagpahayag ng malasakit at pagmamahal sa kapwa?

Sagot verified answer sagot

Ang pagiging bukas-palad ay isa sa mga papel na ginagampanan ng isang pamilya upang sila ay makapagpahayag ng malasakit at pagmamahal sa kapwa.

Mapagbigay, mapagkaloob, at mabait – ito ay iilan lamang sa mga salitang may kasingkahulugan sa bukas-palad.

Kung ang isang pamilya ay maituturing na mabait o mapagbigay ay siya itong sasalamin sa pagtrato nila sa kanilang kapwa.

Mayroon nga tayong kasabihan na huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong mangyari o gawin rin sa iyo. Kaya naman napakaimportante talagang maging bukas-palad ng isang pamilya. Kung ito ay magagampanang maayos ng pamilya ay tiyak rin ang pag-unlad ng kanilang lipunan.