Para sa iyo saan mas komportableng gawin batay sa mga uri ng talumpati?

Katanungan Sagot

Katanungan

Para sa iyo saan mas komportableng gawin batay sa mga uri ng talumpati?

Sagot verified answer sagot

Para sa akin, ang talumpating handa o sa ingles tinatawag na memorized speech. Ang talumpati ay kaisipang buod sa paraang paopinyon na naglalayong maipabatid sa paraang pasalita ang nais iparating ng isang mananalumpati.

Ito ay may iba’t ibang anyo na maaaring gamitin ng mananalumpati. Nariyan ang biglaan o daglian na ang katawagan sa ingles ay impromptu, ang maluwag na sa ingles ay extemporaneous, at ang handa na tinatawag ding prepared o memorized speech sa wikang ingles.

Sa tatlong nabanggit, ang pinakakomportable akong gamitin ay ang ikatlo o ang handa. Sapagkat ito ay may sapat na oras o panahon para makapaghanda.