Katanungan
paraan at dahilan ng pananakop sa indonesia at ang kanluraning bansa na nakasakop sa indonesia (200 words)?
Sagot
Ginamit nila ang Divide and Conquer sa Indonesia upang makakuha rin ng pampalasa. Parehas sa Pilipinas ay ginamitan ito ng divide and conquer sa pamamagitan ng pagkakausap sa mga lokal na lider at paghati-hatian ang mga lugar at lupain na dapat nilang pagmamay-ari at pamamahalaan.
Pinag away away nila ang mga lider at lider sa tribu dahil sa mga suhol tulad na lamang ng kapangyarihan at iilang produkto.
Kadalasan, lupa ang binibigay sa kanila upang maparentahan sa mga magsasaka o manggagawa. Kahit wala naman dati ang ideya ng pagiging pyudal o maging “feudal lord” ang isang lider, sinimulan lamang ito ng mga mananakop, partikular ng mga Espanyol.
Upang mabilis nila na makontrol ang mga tao ay pinag away away muna nila ang mga lider, tsaka ito pinanghimasukan at pinatawan ng buwis ang mga bawat manggagawa ng mga lokal na lider.
Bukod pa rito, mas madaling sakupin ang mga taong nag aaway at hawak nila ang lider upang hindi na lalo umangal o umalpas ang mga tao, laban sa mananakop. Halimbawa na lamang ang pagkakaroon ng pyudal na relasyon ng mga Espanyol, lokal na lider, magsasaka, at mga manggagawa noon na kung saan talamak ang eksploytasyon dahil sa sobrang buwis ngunit mababang pasahod.