Paraan kung paano nakasusulat ng talambuhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

paraan kung paano nakasusulat ng talambuhay?

Sagot verified answer sagot

paraan kung paano nakasusulat ng talambuhayAng pinakamalaking hakbang upang makasulat ng talambuhay ay ang unawain at alalahanin ang mga pangyayari sa iyong buhay o sa buhay na iyong isinusulat.

Ang talambuhay ay mula sa dalawang salitang Filipino na “tala” at “buhay” ibig sabihin ay kuwento ng buhay kaya naman ang isa sa paraan talaga nito ay alamin ang kaganapan sa buhay.

Maaaring alalahanin ang mahahalaga, nakabibighani, matagumpay, o di kaya naman ay malulungkot na yugto ng buhay mo o sa buhay ng taong iyong isinusulat.

Sinasabing madali lamang magsulat ng talambuhay sapagkat ito ay nakabatay lamang sa buong karanasan ng isang tao at wala nang iba pang mas mabisang batayan.