Katanungan
paraan ng mga espanyol sa pagpapatupad ng patakarang kolonyal?
Sagot
Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa ating bansa, marami silang ipinatupad na mga patakarang kolonyal. Isa sa mga pamamaraan ng kanilang pagpapatupad ng patakarang kolonyal ay ang pagtatatag ng monopolyo sa tabako.
Tabako ang isa sa mga pangunahing produkto sa Pilipinas kaya naman ninais ng pamahalaang Espanya na sarilihin ang kontrol at pangangasiwa rito.
Isa pang pamamaraan ay ang tinatawag na polo y sevricios kung saan ang mga Pilipinong lalaki na edad 16 hanggang 60 ay kailangan magtrabaho sa ilalim ng pamahalaang Espanya.
Sistemang bandala naman ang tawag sa patakarang kolonyal ng mga Espanyol kung saan sila ay nagpataw ng mga buwis sa mga magsasaka at kanilang mga lupain.