Paraan ng pagpapamalas ng nasyonalismo sa China?

Katanungan

paraan ng pagpapamalas ng nasyonalismo sa china?

Sagot verified answer sagot

Ang paraan ng pagpapamalas ng nasyonalismo sa China ay sa pamamagitan ng iba’t ibang rebelyon o pag-aaklas na pinasimulan matapos makaranas ng hindi patas na karapatan ang mga taga-Tsina laban sa mga taga-kanluran.

Dahil sa pagsiklab ng unang digmaang opyo noong taong 1839 hanggang 1842, hindi nagwagi ang Tsina laban sa Great Britain na naulit matapos sumiklab ang ikalawang digmaang opyo taong 1856 hanggang 1860 na kung saan nailunsad ang iba’t ibang kasunduan gaya ng Kasunduang Tientsin at Kasunduang Nanking na kung saan ang mga nakalagay na probisyon ay hindi patas sa mga Tsino kung kaya nagpasya ang mga ito na magsagawa ng mga rebelyon para makamit ang katarungan.