Katanungan
pasalindila (kahulugan, halimbawa)?
Sagot
Ang pasalindila ay isang porma ng pag salin gamit ang pagsalita o bibig ng mga nabuong tula, kanta, at iba pang likha na itinanghalan ng mga katutubo noon.
Mahalaga ang pasalindila lalo na sa mga hindi marunong magbasa kaya ito ay diresto nilang inilalahad gamit ang bibig.
Sa pamamagitan ng pakikinig, inuulit-ulit nila ito upang tumatak sa kanilang isipan. Ang salindila ay malaki ang naitulong upang mapreserba ang mga likhang nabuo ng mga katutubo noon at mapag-aralan pa ng mga susunod na henerasyon.
Halimbawa na lamang ang mga awit na Filipino Ako, Filipino Tayo, Ugoy ng Duyan, at mga tula, o nobela. Dagdag pa, ang pasalindila ay ginagawa pa rin ngayon, lalo na sa mga paaralan upang mas ma-ensayo ang mga kabataan.