Bilang isang bansa na mayaman ang kultura sa larangan ng sining, bumuo ang pamahalaan ng isang kautusan bilang pagbibigay pugay sa mga alagad nito. Ang National Artist Award o ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining ang tawag sa parangal na ito.
Ang pagbibigay ng National Artist na parangal ay dumadaan sa napakamabusising pag-aaral at pananaliksik ng mga miyembro ng National Commission for Culture and the Arts. Ito ang pinakamataas na parangal na ginagawad sa mga natatanging pambansang alagad ng sining sa bansa. Karagdagang impormasyon.