Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil…

Katanungan Sagot

Katanungan

Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil…

Sagot verified answer sagot

Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil...Pinagtibay na batayan ng wikang pambansa ang Tagalog dahil sa iba’t ibang rason. Una na rito, ang wikang Tagalog daw ay nahahawig sa maraming wikain sa bansa.

Ang ibang mga wika sa Pilipinas ay hindi raw nalalayo sa Tagalog kaya naman kung ito ang gagamiting wikang pambansa, kaunting pag-aaral na lang ang aaralin ng iba.

Ayon pa sa pag-aaral ng pamahalaan ni Quezon, ang wikang Tagalog ay may katulad na siyam hanggang sampung libong salitang katulad sa iba pang wika na isang malaking bilang.

Ang pagkakatulad na ito ay pagkakatulad sa bigkas, baybay, at maging kahulugan. Mayroon din daw itong halos 5,000 salitang hiram mula sa wika ng mga Ingles, Intsik, at Malay.