Katanungan
pinangunahan niya ang paglalayag ng portugal?
Sagot
Ang paglalayag ng bansang Portugal na matatagpuan sa kontinenteng Europa ay pinasimulan g isang prinsipe. Ito ay si Prinsipe Henry.
Kaya naman ang prinsipeng nabanggit ay kilala sa tanyag na ‘’Prince Henry the Navigator.’’
Si Prinsipe Henry ay hindi talaga isang navigator o hindi rin siya marunong maglayag. Ngunit ang kanyang suporta para sa mga manlalayag ng Portugal, upang sila ay makadiskubre, ay talaga naming napakalaki.
Siya ang sumuporta para sa paglalayag ng mga Portuguese sa kanluraning bahagi ng kontinenteng Aprika.
Dahil sa kanya, maraming nadiskubre ang mga Portuguese. Tinatayang si Prinsipe Henry ang nagpasimula ng tinatawag na ‘’Age of Discovery.’’