Plano Ng Pagkilos Sa Aborsyon

Itinuturing na labag sa batas ang pagpapalaglag o aborsyon sa Pilipinas. Iba-iba ang dahilan ng mga Pilipino sa pagkitil sa buhay ng sanggol sa kanilang sinapupunan. Nagdudulot din ito ng kapahamakan sa babaeng nagpalaglag na.

Narito ang plano ng pagkilos upang maiwaksi ang mali at hindi makataong gawain ng pagpapalaglag o aborsyon sa bansa.

Mga Layunin

Ang plano ng pagkilos na ito ay naglalayong:

  • Ipaunawa ang kahalagahan ng safe sex sa mga magkasintahan;
  • Ipabatid ang kapahamakan na maaaring makuha kung gagawin ang aborsyon;
  • Ipaalam ang kasong maaaring kaharapin sa oras na gawin ang aborsyon;
  • Ipaintindi ang paggamit ng mga kontraseptibo sa mga mag-asawa at mag-partner upang hindi magkaroon ng unexpected pregnancy

Mga Hakbang na Dapat Isagawa:

  • Magkaroon ng seminar at talks kung saan maipababatid sa mga kababaihan, lalo na sa mga kabataan ang peligro na maaaring mangyari kung magpapalaglag. Ayon sa Guttmacher Institute, nasa 1,000 Pinay ang namamatay taon-taon dahil sa komplikasyon ng pagpapalaglag.
  • Bigyan ng sapat na edukasyon ang bawat babae at kanilang mga partner na mayroong alternatibong paraan o contraceptives kung hindi pa handang magbuntis. Libre lamang makukuha ang mga kontraseptibong ito kaya dapat ay gumawa rin ng hakbang ang Department of Health (DOH) para sa information dissemination.
  • Kailangan ding ipabatid na ipinagbabawal sa batas sa Pilipinas ang pagkitil sa buhay ng mga sanggol, kahit na nasa sinapupunan pa lamang ang mga ito.

Itong original na post na ito ay hatid sa inyo ng Panitikan.com.ph. Sana ay nagustuhan ninyo at nakadagdag sa inyong kaalaman ang Plano Ng Pagkilos Sa Aborsyon. Maraming salamat po :)