Katanungan
pondong nanggaling sa mexico bilang pampuno?
Sagot
Ang real situado o royal subsidy ang ponding pinagkukunan ng mga naninirahan sa Mexico bilang pampuno sa mga gastusin ng Spain sa Pilipinas.
Ang real situado o royal subsidy ay ang tawag sa pagbabayad ng mga tao sa loob ng isang taon gamit ang pilak. Ito ay binabayaran sa itinalagang bise-maharlika.
Ang dahilan kung bakit ito ipinatutupad ay dahil sa hindi kayang kumita ng bansang Pilipinas upang tustusan ang mga gastusin ng mga mananakop mula Espanya kung kaya naman ay sa pamamagitan ng mga pilak na binabayad ng mga naninirahan sa Mexico ang ginagamit ng mga ito upang makapamalagi sa bansa.