Posisyong Papel Tungkol sa Online Class

mga halimbawa ng Posisyong Papel Tungkol sa Online ClassPara sa akin, ang online class ay isang hindi makatarungang sistema ng edukasyon sapagkat ito ay hindi para sa lahat.

Maraming mga mag-aaral sa isang mahirap na bansa tulad ng Pilipinas ang wala namang kompiyuter, cellphone, at koneksiyon sa Internet.

Kaya naman ang ganitong uri ng edukasyon ay isang malaking pasakit sa mga maralita at parang sinasabing wala silang karapatan sa edukasyon.

Posisyong Papel Tungkol sa Online Class kahulugan ipaliwanag suliraninAng ganitong klaseng sistema ay nakapagbibigay nang malaking harang sa pagkatuto ng maraming bata at mag-aaral.

Kung iisipin, ang umiiral na sistema sa normal na edukasyon ay kung minsan ay pasakit na kahit pa sabihing nasa pampublikong paaralan, ang magkaroon ng mga gadgets at kagamitang may kamahalan ay lalong magbibigay ng pasanin hindi lamang sa mga mag-aaral kung hindi maging sa kanilang mga magulang.


Kung ang iba ay iniraraos na lamang ang edukasyon sa normal na situwasyon, ngayong may pandemya at umiiral ang online class, paniguradong maraming Pilipinong mag-aaral na naman ang mapag-iiwanan ng ganitong klaseng eduksyon.

example tagalog Posisyong Papel Tungkol sa Online ClassKung ang bawat isa ay magkakaroon ng tulong mula sa pamahalaan upang kahit papaano ay makisabay sa mga mag-aaral na may perang pantustos para sa online class, magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon ang lahat.

Ngunit hangga’t ang ganitong klaseng edukasyon ay para lamang sa may pera, hindi kailanman magiging epektibo ang online class.

Laging tandaan na lahat ng tao ay mayroong karapatan sa kanilang opinyon. Sana po ay nagustuhan ninyo ang gawa namin na Posisyong Papel Tungkol sa Online Class. Handog po sa inyo ito ng Panitikan.com.ph ang website na ang pakay ay makapagbigay sainyo ng kaalaman.