Prinsipe ng makatang Tagalog?

Katanungan

prinsipe ng makatang tagalog?

Sagot verified answer sagot

Si Francisco Balagtas ang prinsipe ng makatang tagalog.Siya ay isinilang noong ika-2 ng Abril taong 1788 sa Bulacan partikular na sa Barrio ng Panginay, Bigaa.

Nagpamalas siya ng angking talento sa pagsulat matapos niyang matuto sa tulong ni Huseng Sisiw o kilala bilang makata ng Tondo na si Jose de la Cruz.

Si Huseng Sisiw ang humamon kay Balagtas upang higit pang husayan ang pagsulat at iniwan ang isang pangakong sisikapin nitong higitan ang kanyang kagalingan dahil gaya nito, hindi siya hihingi ng anumang uri ng kapalit bilang isang manunula.

Isa sa mga naging tanyag na akda niya ang Florante at Laura na nailathala niya taong 1838 matapos ng kanyang paglaya.