Psyche At Cupid (Buod)

Isa sa tatlong magagandang magkakapatid si Psyche. Ngunit sa lahat, siya ang may pinakalutang na kagandahan.

Kahit ang diyosang si Venus ay walang panama sa kaniya. Napabayaan na nga ang diyosa ng mga tao at hindi na nag-aalay ng bulaklak sa kaniya.

Dahil dito, inutusan nito ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang pangit na nilalang. Gayunman, si Cupid ang nabighani sa kagandahan ni Psyche.

Imbes na gamitin ang pana para kay Psyche, ay pinabayaan niya lamang itong mamuhay ng normal at tumaliwas sa utos ng ina.

Nang mag-asawa ang mga kapatid ni Psyche, humingi siya ng payo kay Apollo kung sino ang dapat mapangasawa niya. Sinabi naman ni Apollo ang mga dapat gawin. Naghanda sila para sa kasal na gagawin sa bundok.

Nauna na palang kausapin ni Cupid si Apollo kaya naman siya ang itinakdang mapangasawa ni Pysche.

Naging masaya naman ang dalawa kahit may kondisyon si Cupid na hindi maaaring makita ang kaniyang mukha. Dahil sa kagustuhang malaman ng mga kapatid ni Psyche ang hitsura ng asawa, tinanggal nila ang maskara nito at tumambad ang magandang mukha ni Cupid.

Nalaman ito ni Venus at binigyan ng pagsubok sina Psyche at Cupid na nalagpasan naman nila at nagsama sila nang matiwasay.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Psyche At Cupid. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!