Pulutin ang mabuti iwaksi ang masama kahulugan

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahulugan ng pulutin ang mabuti iwaksi ang masama? 🙂

Sagot verified answer sagot

Pulutin ang mabuti iwaksi ang masama kahuluganAng ibig sabihin ng kasabihang pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama ay dapat sa buhay, laging kunin ang magandang bahagi ng bawat nangyayari sa atin.

Ang buhay ay hindi perpekto at marami pa ring nangyayaring hindi maganda kahit anong gawin natin. At sa mga bagay na nangyayari, kahit masama pa ito, ay kapupulutan ito ng mabuti.

Kaya naman maganda kung sa mga ganitong sitwasyon, itatabi natin ang mga bagay na hindi maganda sapagkat ang mga bagay na magaganda o iyong mga natutuhan lamang natin ang dapat nating itinatabi sa atin. Sa kabutihan pa nito, lagi nating makikita ang positibo sa bawat bagay.