Katanungan
punan ang cloud callout ng epekto ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga asyano?
Sagot
Ang epekto ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano ay ang likas na yaman ang siyang nagdidikta kung ang lagar ay maari o kapaki-pakinabang na tirhan dahil ito ang nagbibigay ng pangkabuhayan, napauunlad nito ang ekonomiya sapagkat dito nagmumula ang mga hilaw na sangkap o materyales na ikinakalakal ng mga Asyano;
at ang dumaraming bilang ng mga tao ay nagbunsod sa pagpapalit-gamit ng lupa na naging sanhi ng pagkawasak o pagkasira ng tirahan ng mga hayop.
Ang mga likas na yaman ay may malaking papel na ginagampanan sa pamumuhay ng mga Asyano noong nagdaang panahon maging hanggang sa kasalukuyan sapagkat ito ang tumutugon sa bawat pangangailangan.