Reduccion ang tawag sa sistemang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila sa mga pamayanang Pilipino?

Katanungan

Reduccion ang tawag sa sistemang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila sa mga pamayanang Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Reduccion ang tawag sa sistemang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila sa mga pamayanang Pilipino. Sa ilalim ng sistemang ito, napilitang lumipat ang mga mamamayang Pilipino, partikular na ang mga pamilya, sa isang pamayanan na malapit sa kabisera kung nassan ang lahat ng kinakailangan.

Sa kabisera makikita ang mga paaralan, mga simbahan, mga plazuela, mga ospital, mga bilihan, at marami pang iba.

Sinadya ito upang hindi makaligtaan ng mga mamamayang Pilipino na magsimba dahil ginawa rin silang Katoliko ng mga Espanyol.

Nailipat tuloy ang tirahan ng mga pamilyang Pilipino sa isang pamayanang kung tawagin ay pueblo. Ito ang naging kaugnayan ng Kristiyanismo sa reduccion.