Relatibong Lokasyon

Relatibong LokasyonAyon sa heograpiya o pag-aaral ng mga lupain ng daigdig, ang relatibong lokasyon ay tumutukoy sa posisyon ng isang lugar bagay sa kinaroroonan o kinalalagyan ng bansa.

Maaari din itong matukoy sa pamamagitan ng kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong mga lugar o bansa. Hindi sinusukat ang relatibong lokasyon sa pamamagitan ng longhitud at latitud.

Sa ganitong paraan, hindi man matutukoy ang eksaktong lokasyon ng isang bansa gamit ang mga pangunahin o pangalawang direksyon na karaniwang pinagbabatayan ng eksaktong kinalalagyan ng isang lugar o bansa, ay magagawa pa rin itong makuha o matunton ng isang tao.

Para sa mas malalaking lugar tulad ng bansa, karaniwang inaalam kung ano-anong bansa ang katabi nito upang matukoy.

kahulugan ng relatibong lokasyonPara naman sa mga bansang archipelago o mga isla, kadalasang ginagamit ay ang mga bansang nasa paligid nito o maging ang mga anyong tubig sa paligid nito.

Sa kalagayan ng Pilipinas, maaaring maging relatibong lokasyon nito ay ang Dagat Pasipiko sa Silangan, West Philippine Sea sa Kanluran, Dagat Celebes sa Timog, at Bashi Channel sa Hilaga.

Kung ang mga bansa naman ang gagamiting pantukoy sa relatibong lokasyon ng Pilipinas, makikita sa Hilaga ang bansang Taiwan, Silangan ay Hawaii, Timog ay Indonesia, at Kanluran ay Vietnam.