Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?

Katanungan Sagot

Katanungan

sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?

Sagot verified answer sagot

Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikulturaAng panahon kung kailan nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura ay noong panahong Neolitiko. Sa panahong ito, natuto nang magtanim ang mga tao para sa kanilang pagkain.

Kung noon ay naghahanap sila ng pagkain kung saan-saan, ngayon ay kaya na nilang magpatubo ng mga halamang magiging pagkain nila.

Kasama rin ng pagkakatuklas nila sa pagtatanim ay ang pag-aalaga ng hayop. Hindi na nila kailangan pang pumunta sa mga kagubatan para sa karne ng hayop dahil nakapagpaparami na sila ng mga hayop para sa kanilang pagkain. Dahil din sila ay may mga alaga nang hayop at halaman, hindi na rin sila palipat-lipat ng kanilang tahanan.