Katanungan
sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na naabuso ang karapatan ng mga kababaihan?
Sagot
Hindi naman kaila sa ating kasaysayan na ang mga kababaihan ay humarap sa diskriminasyon at pang-aabuso sa lipunan.
Hindi rin sila nagkaroon ng pantay na karapatan tulad sa mga kalalakihan. Pero noong panahon ng pananakop ng Hapon ay lubos-lubos ang pang-aabusong sinapit ng mga kababaihan sa ilalim ng kanilang mapang-abusong pamumuno.
Maraming mga babaeng Pilipino ang dumanas nang hirap. Sila ay pinagtotortyur—pinapahirapan sa iba’t-ibang mga paraan.
Naging tanyag rin noon ang tinatawag na “Comfort Women” kung saan libo-libong mga sundalong Hapones ang nananakit ng mga babaeng Pilipino. Nawalan rin ng karapatan ang mga kababaihan noong pananakop ng mga Hapon.