Katanungan
sa anong uri ng akdang pampanitikan mo ito karaniwang mababasa?
Sagot
Karaniwang mababasa ang kwento ng mga diyos at diyosa sa uri ng akdang pampanitikan na mitolohiya.
Ang mitolohiya ay isang pampanitikang akda na pumapatungkol sa kwentong hango sa paniniwala o relihiyon. Karaniwang itinatampok sa ganitong uri ng panitikan ang mga diyos at diyosa.
Kadalasan, ipinaliliwanag dito ang iba’t ibang mga pangyayaring may kaugnayan sa mga kaganapang likas. Isang halimbawa ng maaaring paksain sa akdang ito ay ang sanhi ng pagkakaroon ng mga karagatan o hangin.
Mula sa mga nailimbag na mito naman, naging pinakatanyag ang Mitolohiyang Griyego partikular na ang pagkakatampok sa mga kinikilala nilang diyos at diyosa gaya nina Zeus, Athena, Aphrodite, at marami pang iba.