Magkababata sina Ariel at Cleofe. Musmos pa lamang sila ay kilala na nila ang isa’t isa. Itinuring nilang isang paraiso ang kanilang lugar, kasabay ng kanilang gawain at paglalaro na labis nilang kinaaliwan noon.
Walong taong gulang sila nang magkakilala at mahilig maglaro sa tabing-dagat at sa malawak na bukirin sa kanilang lugar.
Ang magandang samahan nina Ariel at Cleofe ay nagtagal hanggang sa dumating ang panahon na sila ay dalaga at binata na. Sa panahong ito, wala na ang kamusmusan at nag-iba na rin ang takbo ng kanilang isip, maging ang kanilang damdamin.
Batid ng mga magulang nila na higit na sa pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa. Ang dating magkalaro ay alam nilang mahalaga na ang tingin sa isa’t isa. Kaya naman gumawa ng aksyon ang kanilang mga magulang.
Pinag-aral si Cleofe sa siyudad upang mailayo kay Ariel. Paghahanda raw ito sa magandang kinabukasan niya. Ngunit ang paglayo ay hindi pa rin naging hadlang sa dalawa. Pinilit pa rin nilang magkita sa kabila ng pagbabawal.
Sa kanilang muling pagtatagpo ay isang bagong paraiso ang kanilang natagpuan. Ang init ng kanilang pagmamahalan ay tila ang init na naranasan nila sa paglalaro sa malawak na taniman.
Ang bawat yakap at halik ay tila bagong paraiso para sa dalawa. At ang paraiso ay nagbunga na para sa iba ay parusa habang biyaya naman sa kanilang dalawa.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Sa Bagong Paraiso. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!