Sa ganitong pagkakataon bakit mahalaga na tayo ay laging handa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa ganitong pagkakataon bakit mahalaga na tayo ay laging handa?

Sagot verified answer sagot

Kaligtasan ang dahilan kung bakit tayo ay kailangang maging laging handa sa ganitong pagkakataon. Ang pagdating ng pagsubok tulad ng kalamidad (gaya ng pagbaha, paglindol, pagguho ng lupa, buhawi at iba pa) at pandemya ay kinakailangan ng kahandaan.

Ang kahandaang ito ay upang siguruhin na ang sarili at ang kapwa ay maiiiwas sa kapahamakang pwedeng maidulot. Sa panahon ng kalamidad ay marapat na mag-imbak ng mga pagkaing hindi madaling masira, itago o isinop ang mga mahalagang dokumento, maghanda ng go-to bag ng sa gayon kung kinakailangan ng agarang paglikas ay hindi na magiging aligaga sa pag-aayos.

Sa kabilang banda, sa panahong ating kinahaharap ngayon marapat na siguraduhing nasusunod ang mga “health protocols” na ipinatutupad ng gobyerno upang mapuksa at maiwasang matamaan ng sakit.