Sa inyong palagay bakit kailangang iparanas ng may akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan ng epiko?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit kailangang iparanas ng may akda ang mga suliranin ng epiko?

Sagot verified answer sagot

Upang masubok ang katatagan at kakayahan ng pangunahing tauhan na mapagtagumpayan o malutas ang suliranin ang siyang dahilan kung bakit kailangang iparanas ang iba’t ibang klase ng mga suliranin sa pangunahing tauhan ng epiko.

Ang epiko o sa ingles ay epic ay isang pasalaysay na tula kung saan ang pangunahing tauhan ay biniyayaan ng kalakasan o kapangyarihan na nakahihigit kaysa sa mga pangkaraniwang tao o nilalang.

Sinusubok ang tauhang ito sa pamamagitan ng iba’t ibang suliranin, mabigat man o hindi, upang sa gayon ay makita o malaman ang kanyang katatagan at kahandaan na harapin o lutasin ang mga ito upang kanyang makamit ang pagtatagumpay.