Katanungan
sa isyung terorismo ang pagbibigay ba ng ransom kapalit ng kaligtasan ng mga bihag ay dapat o hindi?
Sagot
Kung ako ang tatanungin kung dapat bang ibigay ang ransom (na kadalasan ay malalaking halaga ng pera) kapalit ng kaligtasan ng isang biktimang tao pagdating sa isyung terorismo, ang sagot ko ay hindi ko alam.
Naiisip ko na oo, dahil walang kahit anong halaga ng pera ang maaaring pumalit sa buhay ng isang tao.
Ngunit naiisip ko rin na hindi, dahil hindi dapat tayo pumapayag o nakikipag-deal sa kasunduang gusto ng isang terorista.
Kaya naman dapat paigtingin pa ng pamahalaan ang batas labang sa terorismo. At ayusin pa ng mga kapulisan at sundalo ang kaning ensayo upang hindi humantong sa ransom ang isang terorismo.