Katanungan
sa iyong pagsusuri anong mga aspeto ng kwarantina ang dapat pang higpitan?
Sagot
Hindi ko naman maipagkakaila na malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng lebel ng kwarantina o restriksyon tulad ng ECQ, MECQ, GCQ, at kung ano pa mang iba.
Ngunit kung ating makikita ay kakaunti lamang ang nagiging ambag nito sa pagsupil ng virus. Maraming tao pa rin ang nahahawaan at nagpopositibo.
Kaya naman sa tingin ko ay dapat mas higpitan ng gobyerno ang pagtingin o pagsita sa mga pamilya o indibidwal na umaalis o lumalabas kahit hindi naman essential ang kanilang gagawin.
Napakaaraming mga Pilipino ang nagbabakasyon pa rin sa paniniwalang hindi nila makukuha ang sakit dahil sila ay nagpapa-test naman.