Katanungan
sa iyong pagsusuri sa bulaklak ng lahing kalinis linisan kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan bakit?
Sagot
Sa akdang Ang Lahing Kalinis-linisan, ang may matuwid na panig na dapat panigan ay ang kay bubuyog dahil ito ay nagpapakita ng mga magagandang bagay na naidudulot niya sa bulaklak.
Ang Lahing kalinis-linisan ay isang uri ng balagtasan o pakikpagpalitan ng kaalaman sa patulang pamamaraan ay isinulat ni Jose Corazon De Jesus na tinaguriang siyang hari ng balagtasan.
Ang akdang ito ay kinapapalooban ng tatlong katauhan ang lakan-diwa o tagapamagitan at ang dalawang nagtutunggalian na sina paru-paro at bubuyog.
Isa sa puntong pinag-usapan ay kung sino sa dalawa ang higit na nakatutulong o nakaaapekto sa isang bulaklak.
Sa usaping ito, marapat na panigan si bubuyog sapagkat inihayag niya sa mahusay na pamamaraan ang mga bagay na mula sa kanya na nakapagdudulot ng kabutihan sa bulaklak.