Sa iyong palagay aling sistemang pang ekonomiya ang umiiral sa bansa natin?

Katanungan Sagot

Katanungan

Sa iyong palagay aling sistemang pang ekonomiya ang umiiral sa bansa natin?

Sagot verified answer sagot

Sa iyong palagay aling sistemang pang ekonomiya ang umiiral sa bansa natinSa aking palagay, ang sistemang pang-ekonomiyang umiiral sa Pilipinas ay mixed economy. Ang mixed economy ay sinasabing isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang desiyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman ay nasa kamay ng parehong pribadong sektor at ng pamahalaan.

Sa Pilipinas, umiiral ang magkatulad na sistema. Ang mga pribadong korporasyon o bahagi ng lipunan ay mayroon ding karapatan sa pagsasagawa ng desisyon sa yaman ng Pilipinas, lalo na ang likas yaman.

Nagkakaroon din ng kaugnayan ang mga pribadong organisasyon at ang pamahalaan ng Pilipinas upang magkaroon ng isang maganda at maayos na ekonomiya ang Pilipinas. Hihina nang lubos ang ekonomiya ng bansa kung wala ang pribadong entidad sa bansa.