Sa iyong palagay anong produkto ang dapat na maging prayoridad?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

sa iyong palagay anong produkto ang dapat na maging prayoridad?

Sagot verified answer sagot

Ang produkto na dapat maging prayoridad ay ang palay o bigas na produkto ng ating mga lokal na magsasaka.

Higit pa sa ngayon, mas kailangan ito pagtuunan ng pansin dahil naghihirap at umaaray sa presyo ng palay ang mga magsasaka kahit napakahirap ng kanilang gawain at pag-ani sa kanilang mga tanim.

Imbis na tangkilikin at dagsain ng mga imported na bigas mula sa mga karatig-bansa, marapat lang na unahin ang mga produkto ng ating mga magsasaka at huwag baratin sa presyo dahil sila ang nagpapakain ng buong bansa.

Ang mga magsasaka ang nagpapakain at nagpapakahirap upang hindi magutom ang mamamayan ng Pilipinas, ngunit sila itong nagugutom at hindi nakatatanggap ng sapat na suporta mula sa gobyerno.